3 drug suspects isinelda sa P55K shabu sa Malabon

3 drug suspects isinelda sa P55K shabu sa Malabon

December 22, 2022 @ 1:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa loob ng kulungan magdiriwang ng Pasko ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos malambat sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Isagani Calidro alyas “Gani”, 43, Rodenito Samarro alyas “Pot-pot”, 33 at Christopher Jhon Sy alyas “CJ”, 20, pawang ng Brgy. Longos.

Ayon kay Col. Daro, dakong alas-2:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hiwas St., corner Labahita St., Barangay Longos.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 8.2 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P55,760; buy-bust money at isang pouch.

Ani PLt Dela Cruz, kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa nila sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. Boysan Buenaventura