3 drug suspects nabitag sa Navotas buy-bust

3 drug suspects nabitag sa Navotas buy-bust

June 14, 2022 @ 6:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo ng buy bust operation sa M Fernando St., Brgy. Tangos South.

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na umakto bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba sina Demetria Ochoa alyas “Rhea”, 33 ng Brgy. Tangos South at Ronie Idos, 43, ng Brgy. Daanghari.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 47,600 at marked money.

Dakong ala-1:30 naman ng madaling araw nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Oliveros St., Brgy. Tangos North si Arnold Villanueva alyas “Boy Duling”, 58 ng R. Domingo Street.

Nasamsam kay Villanueva ang tinatayang 6.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P44,200 at P300 buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Actof 2002. Boysan Buenaventura