3 drug suspects tiklo sa Malabon buy-bust

3 drug suspects tiklo sa Malabon buy-bust

January 20, 2023 @ 1:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kulungan ang kinasadlakan ng tatlong bagong identified drug personalities matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Jay Aspuria alyas “Itek”, 22, carwash boy ng Caloocan city, Jeric Nicdao, 21, E-trike driver at Rico Tura alyas “Tonton”, 35, kapwa ng Malabon City.

Ayon kay Col. Daro, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna nu P/Capt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Mc Arthur Hi Way corner Durian Road Brgy. Potrero, matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ng illegal na droga si Aspuria at Nicdao.

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad pinosasan ng mga operatiba si Aspuria at Nicdao, kasama si Tura na sinasabing bumili din sa kanila ng droga.

Ani PSSg Kenneth Geronimo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.90 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 46,920.00 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura