3 drug syndicate members, tumimbuwang sa Pasig buy bust

3 drug syndicate members, tumimbuwang sa Pasig buy bust

July 12, 2021 @ 7:05 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Patay ang tatlong drug suspek sa buy-bust operation sa Barangay Rosario, Pasig City kaninang madaling araw.

Kinilala ni PNP-Drug Enforcement Group chief Brig. Gen. Remus Medina ang mga suspek na sina alias Paulo, Richard at Ricsan.

Narekober sa kanila ang apat na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P27.2 million.

Sinasabing miyembro ng notoryus na Kenneth Maclan drug syndicate ang mga suspek na nag-o-operate sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Pinuri naman ni National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr. ang matagumpay na operasyon ng pulisya.

“Binabati ko po ang ating mga tauhan sa matagumpay na pagkasabat sa humigit-kumulang apat na kilo ng pinaniniwalaan nating ilegal na droga. Napakalaking kabawasan po nito sa kasalukuyang dami ng ilegal na drogang umiikot sa merkado at sumisira sa buhay ng ating mga kababayan lalo na po ng mga kabataan,” ani Danao. RNT