3 ‘durugista’ huli sa P112K tobats

3 ‘durugista’ huli sa P112K tobats

February 28, 2022 @ 10:50 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nasamsam sa tatlong listed drug personalities ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na kinilalang sina Renante Nagares alyas “Sadam”, 31 ng Celia 2, Brgy. Bayan-Bayanan, Paolo Jose Trinidad alyas “PJ”, 39, ng Pascual St. Brgy. San Agustin at Alexis Gutierrez alyas “Uga”, 38 ng Basilio St. Brgy. Acacia.

Ayon kay Col Barot, dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Gen Luna St. Corner Rodriguez, Brgy. Bayan-Bayanan matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Ani PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 16.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P112,880.00 at marked money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura