3 durugista isinelda sa baril, P156K shabu sa Navotas

3 durugista isinelda sa baril, P156K shabu sa Navotas

December 28, 2022 @ 1:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Rehas na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang magkapatid matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu nang matimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Henry Baltazar alyas “Boogie”, 49, (pusher/listed), Rolly Alvarado alyas “Bebe”, 28, at Romeo Alvarado alyas “Jun-Jun”, 31, pawang residente ng lungsod.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones, dakong alas-10:25 ng gabi nang masagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Badeo 5, Brgy. San Roque matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y talamak na pagtutulak ng illegal na droga ni Baltazar.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P300 halaga ng droga kay Baltazar at nang tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang mag-utol matapos makuhanan ng hinihianalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 23 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 156,400.00, buy bust money, buy bust money, P600 recovered money, isang cal. 38 revolver na may tatlong bala at itim na sling bag.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Live Ammunitions). Boysan Buenaventura