3 durugista kalaboso sa P53K tobats sa Malabon

3 durugista kalaboso sa P53K tobats sa Malabon

March 8, 2023 @ 12:13 PM 2 weeks ago


Swak sa kalaboso ang tatlong bagong indentified drug personalities matapos mabitag sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Gilbert Habana, 36 ng Daang Bangko Angeles Street, Brgy San Roque Navotas City; John Ezekeil Noga, 19 ng P. Gomez Street Brgy 13 Caloocan City; at John Willie Bartolome, 23 ng 4th Avenue 2nd Street Brgy 118 Caloocan City.

Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) director PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Allan Reyes sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Alexander Dela Cruz ang buy bust operation kontra kay Habana at Noga sa P. Aquino Road corner Dr. Lascano Brgy. Tugatog matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa kanilang ilegal drug activities.

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Bartolome na sinasabing bumili din ng drog sa dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumukulang 7.9 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php 53,720.00, buy bust money at coin purse.

Pinapurihan ni BGen. Penones ang Malabon CPS sa kanilang matagumpay na drug operation habang mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Boysan Buenaventura)