3 durugista timbog sa Valenzuela buy bust

3 durugista timbog sa Valenzuela buy bust

May 21, 2022 @ 1:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Swak sa rehas na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa buy bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek bilang sina Jojemar Torcuator, 28, Jeffrey Ramos, 33, kapwa (pusher/watch listed) at Benny Tenio, 32.

Ayon kay Madregalejo, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre ng buy bust operation sa 2147 Lamesa St., Brgy. Ugong matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

Agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer.

Ani PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalng shabu na may standard drug price P47,600, marked money, P200 cash, dalawang cellphones at coin purse.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez