3 estudyante lapnos sa palyadong science experiment

3 estudyante lapnos sa palyadong science experiment

October 11, 2022 @ 10:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lapnos ang balat ng tatlong Grade 7 students st Awao National High School sa Davao matapos na pumalya ang isinasagawang Science class experiment.

Nagtamo ng third-degree burn ang mga bikitmang kinilalang sina Bemboy Montanez, Edwin Rebleza Jr., at Cyril dahil sa nasabing insidente.

Sa paglalahad ng mga biktima sa KMJS, kasalukuyan umanong nagsasagawa ang kanilang klase ng eksperiment gamit ang asin na hinalo sa tubig.

Kwento ni Bemboy, kinuha umano ng kanilang guro ang isang bote saka umano nilagyan ng alcohol ang kalan. Dito na umano sumabog ito saka napuruhan ang tatlo.

Napag-alaman na si Edwin ang nakakuha ng pinakamalalang sugat sa aksidente kung saan damay ang kanyang mukha, leeg, kamay, at dibdib.

Habang sina Cyril at Bembol ay lapnos ang kaliwang bahagi ng katawan at dibdib.

Sinabi naman ng Awao National High School na iimbestigahan nila ang insidente at nangako ring magpapalabas ng pahayag anomang oras. RNT