3 ESTUDYANTE LAPNOS SA UNSAFE EXPERIMENT

3 ESTUDYANTE LAPNOS SA UNSAFE EXPERIMENT

October 13, 2022 @ 5:02 PM 1 month ago


KAHABAG-HABAG ang sinapit ng tatlong estudyante na nagtamo ng severe burns sa isang eskuwelahan sa Davao City kamakailan.

Halos buong katawan ng batang si Edwin ang nalapnos, kalahating katawan ang kay Cyril at kanang dibdib at kamay naman ang kay Bemboy na pawang Grade 7 students ang mga biktima ng fire burn dahil sa isang eksperimento.

Iyan na nga ba ang sinasabi natin dear readers. Hindi maaaring isawalang-bahala ng pamunuan ng mga eskuwelahan ang isang science experiment lalo na kung nagtataglay ito ng malaking panganib.

Hindi tayo nagkulang sa mga paalala. Sa katunayan, ilang beses na nating napag-usapan ang mga bagay na ito sa mga nakaraang kolum. Pero isa munang paglilinaw, wala tayong sinisisi sa nangyaring aksidente.

Subalit hindi naman natin hahayaang sabihin na aksidente lang ang lahat at totoong walang sino man ang magnanais na maganap ang ganitong klase ng trahedya.

Subalit kung patuloy na gagamitin ang mga ganitong klase ng litanya upang makalusot ang dapat managot, para na rin nating hinayaang maulit ang mga pangyayari na maaaring kumitil ng buhay sa mga susunod na pagkakataon.

Ang masaklap pa nito, pwede naman talagang iwasan ang aksidente kung may ekspertong gumagabay para sa safety and health ng mga guro at estudyante.

Idagdag pa natin ang pagkakaroon ng epektibong pagpapatupad ng komprehensibong safety and health program na garantiyang magliligtas sa lahat.

Halimbawa na lamang ang obligadong pagsunod sa risk assessment sa tuwing magsasagawa ng anomang eksperimento. Pagtuturo ng situational awareness at paniniguro sa control measures tulad ng pagsusuot ng personal protective equipment para sa mga estudyante.

Pagkakaloob ng short safety tips o toolbox talk bago isagawa ang isang ekperimento idagdag pa ang pag-attend ng mga seminar/workshops tulad ng chemical safety, fire safety, at iba pa.