3 factors sa ligtas na pagbabalik-eskwela nilahad ni PRRD

3 factors sa ligtas na pagbabalik-eskwela nilahad ni PRRD

July 28, 2021 @ 6:48 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ipatutupad ang blended learning ngayong school year subalit ang pamahalaan ay nagtakda ng “three-point yardstick” para sa posibilidad na pagbabalik ng  “in-person classes.”

Taong  2016-2021 sa huling Ulat sa Bayan, sinabi ng Pangulo na nananatiling  committed ang gobyerno sa pagbibigay ng  quality education sa gitna ng pandemiya subalit prayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante.

“Education remains our top priority amidst the pandemic as we strive to further boost the country’s human capital – an investment for the future of the Philippines,” ayon sa Pangulo.

“We have designed a three-pronged criteria towards the eventual safe resumption of face-to-face classes, namely (1) Community COVID Risk Assessment driven from our COVID-19 monitoring models; (2) School-based Readiness for Health Standards that encompasses the upkeep of sanitation in schools; and (3) Shared Responsibility that would muster the commitment of essential stakeholders towards a systematic and risk-based approach in the reintroduction of school- based instruction,” litaniya ng Chief Executive.

Matatandaang, sinalungat ng Punong Ehekutibo ang pagpapatuloy ng  face-to-face classes simula ng humagupit ang pandemiya noong nakaraang taon upang matiyak ang proteksyon ng mga estudyante mula sa  coronavirus.

Sa pagpapatupad ng mahigpit na face-to-face classes, isinulong ng education department ang alternative learning schemes na kinabibilangan ng radio, television, online at modular learning.

Kamakailan lamang, nagpahayag si Pangulong Duterte na nais nitong mabakunahan na ang mga  Filipino laban sa  coronavirus  bago pa muling buhayin and traditional in-person classes sa bansa.

Aniya, hindi niya isusugal ang buhay ng mga estudyante sa gitna ng banta ng nakahahawang Delta coronavirus variant.

Sa pagbubukas ng  school year 2021-2022 sa darating na Setyembre  13, ay itutuloy na ng pamahalaan na ipagbawal pa rin ang  face-to-face classes para sa kapakanan ng kalusugan at proteksyon ng mga mag-aaral.

“The youth’s education has not and will not be sacrificed; their safety will remain our top priority. As such, we will still utilize blended learning for SY 2021- 2022,” ayon sa Pangulo.

“This is to ensure that we would enable learning to continue amidst the threat and uncertainties, while ensuring the health, safety, and well-being of all learners, teachers, and other stakeholders,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose


  •  
  •  
  •