3 firework-related injuries naitala ng DOH

3 firework-related injuries naitala ng DOH

December 24, 2022 @ 2:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng tatlong bagong kaso ng fireworks-related injuries ang Department of Health (DOH) mula sa 61 sentinel hospitals nito simula nitong Biyernes, Disyembre 23.

Dahil dito ay mayroon nang apat na kabuuang kaso ng fireworks-related injuries ang naitala mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 24, 2022, kaparehong bilang na naitala sa nagdaang taon.

Nagpaalala naman ang DOH sa publiko na iwasan na ang paggamit ng fireworks at firecrackers upang maiwasan na maputukan at iba pang pinsala dulot nito.

Samantala, sinabi naman ng DOH nitong Biyernes, Disyembre 23 na naka-high alert na ang lahat ng mga ospital para sa paparating na selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon. RNT/JGC