3 freedom parks sa QC itinalaga ng PNP para sa mga raliyista

3 freedom parks sa QC itinalaga ng PNP para sa mga raliyista

July 21, 2022 @ 10:17 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong freedom park sa Quezon City kung saan maaaring isagawa ng mga nagpoprotesta ang kanilang aktibidad sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon na maaaring magsagawa ng mga rally ang mga nagpoprotesta sa Quezon Memorial Circle, sa loob ng compound ng Commission on Human Rights, at sa loob ng University of the Philippines Diliman campus.

“We appeal to the organizers of the protest actions to limit their activities in these freedom parks to prevent disturbance of the smooth traffic flow in the area and to avoid unnecessary confrontation with the police,” ani De Leon.

Gaya ng utos ng PNP officer-in-charge, sinabi ni Lt. Gen. Vicente Danao Jr., de Leon na ang PNP ay magsasagawa ng maximum tolerance ngunit nagbabala sa kaukulang tugon ng mga civil disturbance management unit sa ground kung ang mga nagpoprotesta ay lalabas sa itinalagang freedom parks.

“If they go out of the freedom parks and it will disturb traffic and peace and order, then we will disperse them at all cost,” babala naman niya.

Hindi rin papayagan ng PNP ang pagsusunog ng effigies ng mga raliyista na isang paglabag sa Batas Pambansa 880.

Batay sa datos na kanilang natanggap, sinabi ni de Leon na naghain ng kahilingan ang militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan sa Quezon City government na magsagawa ng kilos-protesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Gayunpaman, sinabi niya na biniberipika pa nila sa pamahalaang lungsod kung ito ay pinagbigyan.

Nauna nang sinabi ng PNP na ang kahabaan ng Commonwealth Avenue ay magiging no-rally zone para iligtas sa abala ang mga motorista at commuters.

Halos 22,000 police personnel at force multipliers ang ipapakalat upang matiyak ang kaganapan sa Hulyo 25. RNT