3 gamot sa utak, inalisan ng VAT exemption

3 gamot sa utak, inalisan ng VAT exemption

September 23, 2022 @ 6:43 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Inalis ng Food and Drug Administration (FDA) ang 12-percent na value added tax exemption sa tatlong gamot sa mental illness.

Sa isang sulat na ipinadala kay BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo, sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na ang tatlong gamot ay inalisan ng VAT exemption dahil hindi umano sumunod ang mga ito sa provision ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Law.

Ang mga gamot na inalis ay ang Dexmedetomidine for intravenous infusion; Dexmedetomidine, concentrate solution for intravenous infusion at Dopamine Hydrochloride, solution for reconstitution (IV infusion).

Kung babalikan, ang CREATE Law ay naglalayong bigyan ng exemption sa value added tax ang mga gamot para sa cancer, diabetis, tubercolosis, kidney at mental illness. RNT/JGC