3 HVTs tiklo sa P1.5M shabu

3 HVTs tiklo sa P1.5M shabu

August 2, 2022 @ 10:42 AM 7 days ago


BUTUAN CITY- Tatlong high-value targets (HVTs) ang naaresto habang P1.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-busts sa lungsod na ito sa Agusan del Sur, base sa police official nitong Lunes.

Sinabi ni Brigadier Gen. Romeo Caramat Jr., Police Regional Office director sa Caraga (PRO-13), na nagresulta ang anti-drug operation nitong Linggo sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Nahuli sa Barangay Doongan sina Teodoro Saavedra Dalugdog, 35, negosyante, at si Richard Bogwat, 32. Nasabat sa dalawa ang 145 grams ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na P986,000.

Noong Hulyo 25, nagsagawa rin ang PDEA-13 at ang Agusan del Sur Police Provincial Office ng buy-bust kung saan tiklo si Leny Balongag sa Purok 6, Barangay Maygatasan, Bayugan City.

Sabi ni Caramat, nasamsam kay Balongag ang halos 70 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P560,000.

“Engaging in illegal drug trading will only lead you to prison, as simple possession of these illegal substances is a misdemeanor offense,” ayon sa police official.

Nangako naman si Caramat na patuloy na magsasagawa ang PRO-13 at PDEA-13 ng intelligence operations sa drug dealers at users upang wakasan ang suplay ng iligal na droga sa rehiyon. RNT/SA