3 inmates nanaksak ng pulis, De Lima ginawa pang bihag

3 inmates nanaksak ng pulis, De Lima ginawa pang bihag

October 9, 2022 @ 9:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ginawang bihag si dating Senador Leila de Lima ng tatlong bilanggo na nauna nang nanaksak ng isang pulis Linggo ng umaga, Oktubre 9 sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame.

Ayon kay Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr., 6:30 ng umaga nangyari ang insidente nang saksakin gamit ang improvised knife ng tatlong bilanggo ang isang pulis na naghahatid ng pagkain sa mga inmates.

“Ginawa pa pong hostage si Senator Leila de Lima. Ang ano naman do’n, kahit papaano, na-contain naman ng ating kapulisan. Of course, naitakbo ‘yung pulis natin sa ospital. Nasa critical condition,” ani Azurin.

Dagdag pa niya, tinangkang tumakas ng mga suspek ngunit hindi na nagtagumpay ang mga ito sa balak na makalayo.

Ligtas naman umano si De Lima at kasalukuyan sinusuri sa isang ospital.

“Hindi masyadong nasaktan si Senator de Lima. Pina-pacheck up natin siya kung ano kalagayan niya. Definitely, she is safe,” ani Azurin. RNT/JGC