3 instant milyonaryo sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45

3 instant milyonaryo sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45

March 1, 2023 @ 7:44 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tatlong mananaya ang masuwerteng nanalo sa magkahiwalay na draw ng Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 nitong Lunes ng gabi, Pebrero 27, 2023.

Sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mapalad na napanalunan ng mananaya na bumili ng ticket sa Novaliches, Quezon City ang P75.248 milyon jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.

Ang winning combination ay 09 08 05 01 30 52.

P11.631 milyon na jackpot naman sa Mega Lotto 6/45 ang paghahatian ng dalawang mananaya na bumili ng ticket sa San Pablo City.

Ang winning numbers ay 25 04 11 35 15 09. RNT