3 kabilang ang 2 menor, arestado sa buy-bust

3 kabilang ang 2 menor, arestado sa buy-bust

July 4, 2018 @ 4:24 PM 4 years ago


 

Caloocan City – Arestado ang tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang dalawang 17-anyos na estudyante sa buy-bust operation.

Kinilala ni Northern Police District Drug Enforcement Unit deputy chief Jefferson Guillermo ang naarestong suspek na sina Jhumair Barao, 24, (user) samantalang itinago naman sa pangalang Boyet at Junjun ang dalawang 17 anyos na lalaki na pawang mga residente ng Bagong Silang.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Almart Cruz, dakong alas-2 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng DDEU kontra sa mga suspek sa Phase 7 B, Bagong Silang.

Nang iabot na ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P2000.00 kay PO2 Castro na nagpanggap na buyer ay agad inaresto ang mga ito ng mga operatiba.

Narekober sa mga suspek ang dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P3000.00 market value ang halaga, isang surgical scissor, digital weighing scale at 30 piraso ng transparent plastic sachet na nakuha sa loob ng cellphone box. (Rene Manahan)