3 kawani ng munisipyo arestado sa drug den

3 kawani ng munisipyo arestado sa drug den

September 18, 2022 @ 2:59 PM 1 week ago


ILIGAN CITY- SHOOT sa kulungan ang tatlong kawani ng munisipyo matapos maaktuhan at makuhanan ng iligal na droga sa sinalakay na drug den ng mga den Biyernes sa probinsya ng Lanao del Norte.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Allan Balasabas Bagaipo, drug den maintainer; Joneldan Taganas Salvo at Renato Alivio Osmeña, pawang mga taga Purok 5, Barangay Upper Hinaplanon.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nakatanggap sila ng report hinggil sa drug den sa nasabing lugar.

Nakuha sa mga suspek ang shabu na may bigat na 12 gramo.

Sinabi ng mga awtoridad ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ang mga naarestong suspek subalit hindi sinabi kung anong tanggapan konektado ang mga ito.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Article II of the Republic Act (RA) 9165 otherwise known as “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,’’ sina Bagaipo, Salvo at Osmeña./Mary Anne Sapico