3 kawatan ng mga estudyante sa U-belt, timbog sa marijuana

3 kawatan ng mga estudyante sa U-belt, timbog sa marijuana

July 20, 2018 @ 1:53 PM 5 years ago


 

Sampaloc, Maynila – Timbog ang tatlong lalaki na umano’y miyembro ng isang gang na nambibiktima ng mga estudyante matapos mahuling gumagamit ng marijuana sa Sampaloc, Maynila.

Nakakulong na ngayon sa Manila Police District-Station 4 ang mga suspek na sina Roberto Celis, Mark Joseph Rulloda, at Rasid Arellano.

Ang tatlo ay naaresto kaninang umaga sa Paredes Street sa Sampaloc habang humihithit ng marijuana.

Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang 3 bag ng iligal na droga.

Sa imbestigasyon at beripikasyon, napag-alaman na ang mga suspek ay mga sangkot sa serye ng snatching sa University Belt kung saan kadalasang target ang mga estudyante.

Bukod dito, mga notoryus ding magnanakaw ng mga motorsiklo sa Kamaynilaan.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang pulisya sa pakikipagtulungan na rin ng nahuling mga suspek upang madakip ang iba nilang kasamahan na responsable sa mga snatching, holdap at motornapping sa lungsod.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang patuloy pang binubuo ang kasong robbery at snatching. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)