3 kelot arestado sa paglabag sa gun ban

3 kelot arestado sa paglabag sa gun ban

July 22, 2022 @ 5:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Arestado ang tatlong (3) lalaki dahil sa paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” (SONA/Gun Ban) at at matapos masamsaman ng tatlong (3) sari-saring baril at bala bandang alas-9:30 ng umaga nitong Biyernes.

Naaresto sila ng grupo ng Traffic Enforcement Branch, RHPU-NCR sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng PMAJ JOSELITO E QUILA (Deputy Chief, RHPU-NCR) habang nagsasagawa ng Anti-Carnapping Operation at mahigpit na pagpapatupad ng RA 4136 o paglabag sa hindi pagsusuot ng seatbelt at hindi awtorisadong paggamit ng improvised plate ng Suzuki Ciaz GL-AT Sedan 2019. Val Leonardo