3 kelot binitbit sa P1.3M shabu sa Malate

3 kelot binitbit sa P1.3M shabu sa Malate

July 25, 2022 @ 9:02 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binitbit ng mga operatiba ng Station Anti- Illegal Drug Enforcement unit ng Manila Police District ang umano’y tulak ng droga, makaraang ilatag ang buybust operation at makarekober nang mahigit isang milyong pisong hinihinalang shabu, kasama ang dalawa nitong kasabwat sa Malate, Maynila.

Kinilala ang target sa operasyon na si John Rafael Lugos Y Chuca, aka ” Boy” 26 anyos , binata , tambay ng 1831 South Super  Highway Paco, Maynila.

Arestado naman ang dalawa nitong kasabwat na sina Rashid Guntalani, 18 at si Raymond Lagunsad, 29 anyos.

Isinagawa ang buy-bust operation sa F. Muñoz St. malapit sa panulukan ng Meding Street sakop ng Barangay 732, Malate.

Napag-alaman na isang impormante ang  nagbigay ng tip sa pulisya kaya agad inilatag ang operasyon na nagresulta ng pagkakadakip sa mga suspek.

Narekober ang dalawang daang marked money at hinihinalang shabu na nasa 12 bulto na nakasilid sa plastic sachet na tumitimbang ng  200 gramo at  may street value sa halagang P1, 360,000.00.

Nahaharap sa kasong paglabag sa  Anti-Illegal Drugs Buy Bust Operation in relation to to  Station Anti-Criminality Law  Enforcement Operation (SACLEO) ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden