3 kelot timbog sa shabu

3 kelot timbog sa shabu

July 11, 2021 @ 11:08 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang tatlong tulak matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Quezon City, umaga ng Linggo.

Kinilala ang mga suspek na sina John Michael Gañola, 25; Alvin Duque, 28; at Love Joy Flores, 34.

Nakumpiska sa mga ito ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na halos apat na gramo na may street value na P27,200.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ELM/J.Abiad