3 kidnapper-for-ransom sinunog nang buhay

3 kidnapper-for-ransom sinunog nang buhay

August 28, 2022 @ 9:20 AM 1 month ago


GUATEMALA – Sinunog nang buhay ang tatlong kidnapper for ransom na pumatay sa kanilang biktima sa bansang ito kamakalawa.

Nakilala ang mga suspek na sina Selvin Perez, 24 anyos; Samuel Gondinez,38; at Olivio Mendez, 24.

Patay na nang matagpuan ng mga pulis ang kanilang biktima na si Freddy Mendez, 11, ng Xemal village sa Colotenango.

Binaril sa ulo at saka ibinaon nang mababaw sa lupa si Mendez na ikinagalit nang husto ng mga mamamayan.

Ayon sa Guatemala National Police, makaraang mahuli ang mga suspek, inagaw ng mga galit na mamamayan ang isa sa mga suspek at dinala sa masukal na bahagi ng Xemal.

Hindi nagtagal, dinukot na rin ng mga tao ang dalawa pang suspek mula sa kulungan at magkakasama na ang tatlo na sinunog ng buhay.

Napag-alamang makaraang dukutin si Mendez, humingi ang mga kidnaper ng salaping kapalit ng buhay o kalayaan nito ngunit pinatay pa rin ang biktima kahit nakapagbigay na ang mga magulang nito ng ransom. RNT