3 kubo naabo sa sunog ng NPA sa Cagayan

3 kubo naabo sa sunog ng NPA sa Cagayan

January 3, 2022 @ 1:14 PM 7 months ago


CAGAYAN- Tatlong kubo ang naabo na sinunog umano ng komunistang grupo o New People’s Army sa Sitio Bungcag, Brgy. Luga, Santa Teresita, Cagayan kahapon.

Sa panayam ng REMATE kay PCapt. Ranulfo Gabatin, hepe ng Sta. Teresita, agad na ngsumbong si Ginoong Aracadio Damian, 62 anyos sa kasundaluhan at maging sa pulisya matapos na madatnan ang kanyang kubo na abo matapos na sunugin ng pinaniniwalaan niyang mga miembro ng NPA.

Ayon kay Damian, bago ang pagsunog sa kanyang kubo ay may 10 na armadong kalalakihan na pumunta sa kanyang kubo nagsabi na kailangan nilang magpahinga sa kanyang kubo at himingi pa ang mga ito ng pagkain.

Tumalima naman umano siya at iniwan pansamantala ang mga kalalakihan upang tignan ang kanyang sakahan, subalit nanlumo siya ng makita na abo na ang kanyang kubo.

Ayon kay PCapt. Gabatin, may dalawa pang nagreklamo sa kanilang himpilan na nasunugan ay sina Jerry Crisostomo, 50 anyos, magsasaka at Elvis Del Rosario, 42 anyos, magsasaka at kapwa residente ng Brgy Masi ng nasabing bayan.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan sila sa kasundaluhan upang matukoy at mapanagot ang mga sangkot sa nasabing insidente.

Sinabi pa ni Gabatin na bagamat hindi NPA threatened ang Sta. Teresita, ito naman ang nagiging daanan ng mga rebelde papunta sa ibang mga bayan o lugar.

Kaugnay nito, pinaigting ang kanilang pagbabantay at police visibility upang matiyak na hindi na muling makagawa ng karahasan ang teroristang grupo ng mga rebelde. Rey Velasco