3 lalaking sangkot sa rape, timbog sa magkahiwalay na operasyon

3 lalaking sangkot sa rape, timbog sa magkahiwalay na operasyon

June 26, 2018 @ 3:20 PM 4 years ago


Natimbog ng pulisya ang dalawang lalaking may kinakaharap na kasong panggagahasa sa isinagawang magkahiwalay na operasyon.

Unang naabutan ng mga pulis na nanonood sa isang barong-barong sa Lian, Batangas, ang suspek na si Mark Guinto, na umanoy ikalawang most wanted person sa kanilang bayan.

Mahigit limang buwan nang nagtatago ang suspek dahil sa kasong rape kung saan ang biktima umano ay kanyang anak-anakan.

Natunton din ng mga awtoridad ang most wanted person ng Peñarrubia, Abra, matapos ang mahigit isang dekada.

Nahuling nagtatago sa San Mateo, Rizal, ang suspek na si Felipe Vasquez, na nahaharap sa dalawang kaso ng rape matapos umanong makipagrelasyon sa isang menor de edad.

Ayon sa suspek, nakipag-areglo na raw siya sa complainant kaya inakala niya na inurong na ang kaso laban sa kaniya.

Huli naman ang rape convict na si Eric Medina, 33, sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte.

Nahatulan si Medina ng panggagahasa sa isang special child na kapitbahay.

Nagtago nang mahigit apat na buwan si Medina matapos masentensiyahan ng pagkakabilanggo. (Jeff Gallos)