3 lider ng indigenous people na nalinlang ng NPA, sumuko

3 lider ng indigenous people na nalinlang ng NPA, sumuko

May 31, 2022 @ 10:20 AM 4 weeks ago


SULTAN KUDARAT – Sumuko sa tropa ng pamahalaan ang tatlong pinuno ng Manobo-Dulangan IP community at 9 pang tagasunod na dating mga kasapi ng New People’s Army (NPA), Linggo sa probinsyang ito.

Ang tatlong lider ay kinilalang sina Datu Gawa, Datu Ume Digan, at Sultan Tirso Gantangan kasama ang siyam pa nila ng tagasunod na dating miyembro ng NPA.

Ayon kay Brig. Gen. Eduardo Gubat, acting 6th Infantry Division-PA commander, personal na humingi ng tulong sa kanilang sina Digan para magbalik-loob sa pamahalaan.

Isinuko rin nila sa militar ang iba’t ibang uri ng mataas na armas .

Sinabi ng grupo na nalinlang lamang sila ng NPA sa pagsapi dahil hindi naman natupad ang kanilang mga ipinangako bagkus ginagamit bilang panangga para laban ang gobyerno.

Nangako naman ang grupo ni Digan na pakikipag-kooperasyon sila sa pamahalaan para wakasan ang NPA lalo na sa mga liblib na lugar sa Sultan Kudarat.

Nakapagtala naman ang militar at pulis ng higit sa 80 rebeldeng NPA ang sumuko simula Enero 2022 Central Mindanao.

Nasa talaan naman ng teroristang organisasyon ng United States, European Union, the United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at ng bansa ang Communist Party of the Philippines-NPA.

Ang Anti-Terrorism Council ay pormal na itinalaga ang National Democratic Front bilang isang teroristang organisasyon noong Hunyo 23, 2021, bilang “isang integral at hindi mapaghihiwalay na bahagi” ng CPP-NPA na itinatag noong Abril 1973. /Mary Anne Sapico