3 LSI galing Caloocan, positibo sa COVID-19 sa Cagayan

3 LSI galing Caloocan, positibo sa COVID-19 sa Cagayan

July 14, 2020 @ 9:49 PM 4 weeks ago

  • 28
  •  
  •  
    28
    Shares

Manila, Philippines – Nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong Locally Stranded Individual (LSI) na taga-Lasam at Camalaniugan, Cagayan ngayong araw.

Sa ulat ni Susan Mapa, ng Cagayan Provincial Information Office, sinabi ni Dr. Carlos Cortina ng Provincial Health Office, pawang galing umano sa Caloocan City ang mga LSI at sakay ng pampasaherong bus ngunit hindi binanggit kung hiwa-hiwalay na bus ang sinakyan ng mga ito pagdating nila sa lugar kahapon.

Nakilala lamang ang mga biktima na siyam taong gulang at taga-Centro 1, Lasam, Cagayan; 16 anyos na dalaga at isang binata na kapwa residente ng Brgy. Alilinu, Camalaniugan, Cagayan.

Pare-pareho umanong asymptomatic ang tatlo pagdating nila sa lugar at agad silang pina-swab test ng mga pamahalaang bayan nakasasakop sa kanila at natagpuang positibo ang mga ito.

Paliwanag naman ni Camalaniugan Mayor Angelica Cabaddu, mag-live in umano ang dalaga at binata na dumating sa Tuguegarao City noong Hulyo 12 at agad na isinalang ang mga ito sa rapid test at swab test at naging positibo ang mga ito.

Nasa isolation unit na ng mga municipal quarantine facility ang mga biktima.
Dahil sa tatlong panibagong kaso, nakapagtala na ang Cagayan ng 27 aktibong positibo ng virus at umaabot na sa 71 confirmed cases ng COVID-19. RNT/Fred Cabalbag


  • 28
  •  
  •  
    28
    Shares

Loading...