3 mag-anak patay sa salpukan ng tricycle, pick-up

3 mag-anak patay sa salpukan ng tricycle, pick-up

January 18, 2023 @ 5:04 PM 3 weeks ago


SAN MARIANO, ISABELA Pinaglalamayan na ngayon ng kanilang mga pamilya’t kamag-anak ang tatlong nasawi sa salpukan ng tricycle at pickup sa Barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Dahil sa mga tinamong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng mga biktima ay hindi na umabot ng buhay sa isang pagamutan sa nasabing bayan ang dalawang sakay ng tricycle na sina Jacqueline Merlin, 35 anyos at Chona Monasquil, 35 anyos habang ang tsuper ng tricycle na si Joel Merlin, pinsan ng mga biktima ay namatay habang dinadala sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang tsuper ng pickup na si Elmer Telan, 43 anyos at residente ng Minanga dito sa nasabing bayan.

Ayon kay Jonathan Merlin, 35-anyos at mister ng isa sa mga biktima na si Jacqueline, galing siya sa Bulacan dahil nagdeliver siya ng saging at nagpapasundo siya sa Benito Soliven, Isabela para makapunta sa huling gabi ng lamay ng kanilang pinsan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang aksidente na ikinasawi ng tatlong mag-anak. Rey Velasco