3 members ng Red Velvet, nagka-COVID; Concert, postponed!

3 members ng Red Velvet, nagka-COVID; Concert, postponed!

March 17, 2022 @ 3:00 PM 4 months ago


SEOUL, South Korea – Tatlong member ng girl group na Red Velvet ang nag-positibo sa COVID-19.  Dahil dito ay postponed ang upcoming concert ng grupo entitled “2022 The ReVe Festival: Prologue.” sa March 19 and 20.

According sa statement ng agency ng grupo na SM Entertainment, sinabi nito na,  “Red Velvet’s Irene, Joy, and Yeri recently received positive results from COVID-19 self-testing kits that they used preemptively, so they carried out PCR tests and were confirmed positive this past weekend.”

Negative naman ang dalawa pang members na sina Seulgi at Wendy na close-contact ng tatlo.

Meanwhile ay in-assure naman ng SM Entertainment ang fans na nasa maayos na kondisyon ang tatlo at wala namang symptoms ng COVID-19.

Postponed man ang concert ay tuloy na tuloy pa rin ang release ng kanilang mini album na “The ReVe Festival 2022 – Feel My Rhythm” on March 21, 2022. Paula Jonabelle Ignacio