3 menor de edad na tulak ng tsongki, timbog

3 menor de edad na tulak ng tsongki, timbog

February 17, 2023 @ 6:10 PM 1 month ago


TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN-Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong disi syete-anyos na kalalakihan matapos na matimbog sa isinagawang anti-Illegal Drug Buy-bust Operation sa Balzain Highway, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay PLtCol. Richard Gatan, hepe ng Tuguegarao City Police Station pansamantala itinago sa pangalan ng mga suspek na sina alyas Julio, kabilang sa Out of School Youth, alyas Augusto, College student at alyas Gorospe, ALS student na pawang mga residente ng nasabing Lungsod.

Naaresto ang mga suspek sa aktong pagbebenta ng isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng tuyong dahon na may mga tangkay at fruiting tops na hinihinalaang marijuana sa isa sa mga operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nakuha sa direktang pagmamay-ari, kontrol at kustodiya ng mga suspek ang dalawang (2) pirasong itinaling transparent plastic bag at isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet parehong naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may mga tangkay at fruiting tops, isang limang daang piso (Php500.00) na ginamit bilang buy-bust money; tatlong (3) yunit ng cellular phone at isang (1) pirasong improvised pipe at isang pirasong lighter.

Narekober ang mga gamit pang-buy bust at nasa humigit kumulang isang daan at tatlumpung gramo na may market value na nagkakahalaga ng labinlimang libo at anim na raang piso (Php15,600.00) ang illegal na droga o marijuana.

Ang mga nasabing suspek, mga gamit pang-buy bust at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA RO2 para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon. Rey Velasco