3 minero patay sa poisonous gas

3 minero patay sa poisonous gas

March 13, 2023 @ 10:10 AM 2 weeks ago


PANTUKAN, Davao de Oro- Patay ang tatlong minero matapos umanong malanghap ang “natural poisonous gas” sa loob ng tunnel, iniulat kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Jelbert Lastimado, 25, may asawa, Arjie Jayson, 23, may asawa at si Julito Torifel, 25, lahat ay residente ng Purok 2, Tibagon, Pantukan, Davao de Oro.

Batay sa report ng Pantukan Municipal Police Station, bandang alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng tunnel sa Purok 50, Sitio Diat, Brgy. Napnapan, Pantukan, probinsya ng Davao de Oro.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyan nagtatrabaho ang mga biktima sa loob ng Gold Tunnel mining sa nasabing lugar nang bigla na lamang umanong magkaroon ng leak ang natural poisonous gas.

Hinala ng mga awtoridad posibleng nalanghap ng mga biktima ang gas na nagresulta ng kanilang kamatayan. Mary Anne Sapico