3 miyembro ng BIFF sumuko, nangakong tutulong sa gobyerno

3 miyembro ng BIFF sumuko, nangakong tutulong sa gobyerno

November 20, 2022 @ 12:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng extremist na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kusang sumuko kasama ng kanilang mga armas sa pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., Army’s 33rd Infantry Battalion commander, kung saan ang tatlong sumuko ay miyembro ng BIFF – Kagui Karialan faction.

Personal itong nagtungo sa mga sundalo sa Barangay Zapakan, Rajah Buayan nitong Huwebes, Nobyembre 17.

“They feared for their lives because of our relentless campaign against them. That is one of the reasons they decided to yield,” ani Cadiente.

Kabilang sa kanilang mga isinuko ay ang dalawang Carbine rifles at Garand rifle.

Ayon kay Alyas Tiu, isa sa tatlong surrenderers, pagod na pagod na umano sila na palagi na lamang nagtatago sa tropa ng pamahalaan.

“Our fight is going nowhere, we want to live normal lives with our families,” ani Alyas Tiu.

Dahil dito ay nangako sila na tutulong sa pamahalaan na kumbinsihin ang iba pa nilang kasamahan sa bundok na sumuko na at tanggapin ang alok na programa ng pamahalaan sa mga sumusukong rebelde.

Dahil dito ay pinuri ni Maj. Gen. Roy Galido, Army 6th Infantry Division (ID) commander, ang tropa ng 33rd IB at mga lokal na opisyal sa pagtutulong sa mga sumukong BIFF members.

“The government is ready to welcome those who wanted to reform, the government will provide them the opportunity to live normal lives,” aniya.

Mula nitong Enero, mayroon nang 178 na BIFF members ang sumuko sa Central Mindanao. RNT/JGC