Mga nasunugan sa Bacoor, inayudahan ni Bong Go

August 15, 2022 @3:18 PM
Views:
8
MANILA, Philippines- Isang araw matapos dumalo sa 6th National Fire Olympics 2022 ng Bureau of Fire Protection sa Davao City, pumunta si Senator Christopher “Bong” Go sa Bacoor City, Cavite noong Linggo upang personal na magbigay ng agarang tulong sa mga biktima ng sunog kamakailan sa Barangay Maliksi 2.
Inilunsad ni Go at ng kanyang team ang relief operation sa Maliksi Elementary School na pansamantalang tinutuluyan ng daan-daang biktima matapos masunog ang kanilang mga bahay noong Agosto 12.
Pinangunahan ng senador ang pamamahagi ng relief items, tulad ng mga grocery packs, bitamina, masks, pagkain at kamiseta sa kabuuang 137 pamilya na binubuo ng 534 indibidwal.
Namigay din siya ng mga mobile electronic gadget para sa mga mag-aaral, gayundin ng mga bisikleta, sapatos, relo, at bola para sa volleyball at basketball upang hikayatin silang makisali sa sports.
Ang Department of Social Welfare and Development ay nagbigay naman ng pinansiyal na suporta sa bawat apektadong sambahayan sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito upang mapabilis ang kanilang pagrekober.
“Galing po akong Davao ngayon dahil bukas po may (session sa) Senado (pero pinili kong bumisita at tumulong) nung nabalitaan ko na noong isang araw ay may mga nasunugan dito sa Bacoor. Ilang beses na akong nakabalik dito sa Bacoor nang dahil sa sunog, nakikiusap po ako sa inyo na mag-ingat kayo parati,” ayon kay Go.
“Alam ko pong napakahirap pong masunugan, parang ubos lahat (at) umpisa ulit. Pero ang gamit po ay nabibili, magtulungan lang po tayo. Ang pera po ay ating kikitain, magsipag lang tayo. Ngunit ang perang kikitain natin ay hindi nabibili ang buhay. Ang nawalang buhay ay isang nawawalang buhay magpakailanman. Andirito po kami para tumulong sa inyo sa abot ng aming makakaya,”dagdag ng senador.
Tiniyak ni Go na ang mas mahusay na proteksyon sa sunog at mga pagsisikap sa pag-iwas ay maaaring asahan mula sa Bureau of Fire Protection kasunod ng sampung taong modernization program nito na ipinag-uutos sa ilalim ng BFP Modernization Act of 2021.
Pangunahing inakda at itinataguyod ni Go, ang Batas ay naglalayong pahusayin ang kakayahan ng kawanihan na tumugon sa mga insidente na may kaugnayan sa sunog sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bagong kagamitan sa sunog, pagpapalawak ng manpower at pagsasagawa ng espesyal na pagsasanay para sa mga bumbero, bukod sa iba pa.
Sinamantala rin ni Go, pinuno ng Senate Committee on Health and Demography, ang pagkakataong hikayatin ang mga karapat-dapat na lumahok sa national inoculation drive ng gobyerno, sa pagsasabing, “Habang andiyan pa po ang COVID-19, nakikiusap po kami sa gobyerno (at ) bilang Committee Chair on Health po, facemask muna tayo at mag-ingat. At may pakiusap lang ako sa inyo, kung hindi pa po kayo bakunado, magpabakuna na ho kayo. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay.”
Habang itinataguyod niya ang mas progresibong Lungsod ng Bacoor, ipinaabot din ni Go ang kanyang suporta sa ilang proyekto na makatutulong sa paghahatid ng serbisyo publiko nito.
Kabilang dito ang pagtatayo ng slope protection sa Zapote River, pagtatayo ng flood mitigation structure at revetment sa kahabaan ng Bacoor River, pagtatayo ng mga multipurpose building sa Brgys. Mambog 3 at San Nicolas II, rehabilitasyon at paggawa ng mga kalsada, at konstruksyon ng Daang-Hari Flyover Road.
Nangako rin si Go na tutulong sa pagkuha ng ambulance unit para sa lokal na pamahalaan at sa pagtatayo ng Super Health Center bilang bahagi ng kanyang inisyatiba na mailapit ang mga Pilipino sa mga serbisyong pangkalusugan ng gobyerno.
Bukod sa Bacoor City, magtatayo rin ng Super Health Centers sa mga lungsod ng Dasmariñas, General Trias, at Imus; at mga bayan ng Carmona, Kawit, Magallanes at Tanza.
Noong Agosto 11, nagbigay ng tulong ang pangkat ng senador sa mga madre ng Sisters of Mary School sa Silang. RNT
3 adhikain ni PBBM para sa PH agri sector, inilatag

August 15, 2022 @3:04 PM
Views:
12
MNAILA, Philippines- Isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang tatlong pangarap para sa agriculture sector ng Pilipinas.
Ito ay ang “sustainable livelihood for farmers, food security at affordable food for all.”
Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng Department of Agriculture (DA), titiyakin nito na ang mga magsasaka ay mayroong “sustainable livelihood” at makapage-engganyo sa iba na isulong ang larangan ng agrikultura.
“Simple lang naman ang pangarap ko: Kailangan magkaroon ng kumikitang kabuhayan ang ating mga magsasaka ng sa ganon ay maengganyo ang susunod pang mga henerasyon na ipagpatuloy ang industriyang ito,” anito.
Nais din ng Pangulo na nakamit ng bansa ang food self-sufficiency sa pamamagitan ng gawing prayoridad ang local production kaysa food importation.
“Pangalawa, magkaroon tayo ng seguridad sa pagkain na ‘di umaasa hanggat maaari sa ibang bansa,” dagdag na pahayag nito.
Hangad din ng Pangulo ang maging abot-kaya ang halaga ng mga pagkain para sa lahat ng mga Filipino sa gitna ng tumataas na presyo ng pagkain at napipintong kasalatan nito.
“At pangatlo, ang magkaroon ng murang pagkain para sa lahat. Ang pangarap ko ay wala nang gutom na Pilipino. At tiyak ko na pangarap rin ng bawat isa sa atin ‘yan,” aniya pa rin.
Ani Pangulong Marcos, ang kanyang naging karanasan sa Ilocos Norte bilang gobernador para sa 12 taon ang dahilan upang naging malapit sa kanyang puso ang agrikultura.
“Nakita ko ‘yung aming nagawa, nakita ko ang maaring gawin kaya alam ko na kaya nating ayusin itong mga problemang hinaharap ng ating mga magsasaka at ng buong agrikultura na sektor,” aniya pa rin.
Ang problema aniya na kinahaharap ngayon ng agriculture industry ay hindi lamang makaaapekto sa mga magsasaka at mangingisda kundi maging sa pamilyang Filipino.
“Ang ating ekonomiya ay nakasalalay sa mga malulusog at malalakas na manggagawa. Higit pa sa anong gamot at bitamina, ang masustansya at kayang bilhin na pagkain ang siyang hindi dapat mawawala sa hapag kainan ng bawat tahanan,” lahad nito.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na magpupursige sya na nakamit at matupad ang kanyang mga pangarap.
“Patuloy ang ating pagpupursigi na ibangon at ilaban ang industriyang ito hanggang sa makamtan natin ang mga pangarap na ‘yan,” lahad nito. Kris Jose
Online casino agent tiklo sa P156K shabu sa Valenzuela

August 15, 2022 @3:00 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Swak sa selda ang isang online casino agent matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni PLT Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police ang naarestong suspek na si Niño Nicanor Faustino Jr., 42, online casino agent at residente ng 99 P. Faustino St., Brgy. Punturin ng nasabing lungsod.
Base sa report ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela Police chief Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Aguirre ng buy bust operation sa bahay ng suspek matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ito ng iligal na droga.
Sa ulat ng pulisya, isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P7,500 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang limang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang 23 gramo ng shabu na may standard drug price P156,400, marked money na isang tunay na P500 peso bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, cellphone at pouch.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. R.A Marquez
PinasLakas ng DOH dinala sa Korte Suprema

August 15, 2022 @2:50 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Hinikayat ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang lahat ng opisyal at kawani mg hudikatura na samantalahin ang libreng bakuna na ibinibigay ng pamahalan.
Sa kaniyang talumpati sa pagluulnsad ng PinasLakas vaccination drive sa SC courtyard, pinasalamatan nito si Department of Health OIC Rosario Vergeire sa mga libreng bakuna at booster shots hindi lamang sa mga empleyado ng korte kundi maging sa pamilya ng mga ito.
Hindi aniya maratawaran ang Pinaslakas vaccination drive ng pamahalaan dahil mahalaga ito upang magampanan ng hudikatura ang tungkulin nito ngayong panahon ng krisis.
Una nang inilunsad ang ang Pinaslakas drive noong Hulyo 26,2022 na mas pinalawig na bersyon ng booster vaccination campaign ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kasalukuyan ay 96% ng mga tauhan ng hudikatura ay maituturing na fully vaccinated. Teresa Tavares
Cable car proposal ni Padilla ‘di isinasantabi ng DOTr ngunit..

August 15, 2022 @2:36 PM
Views:
15