3 miyembro ng NPA sumuko sa Isabela

3 miyembro ng NPA sumuko sa Isabela

November 2, 2022 @ 1:43 PM 4 weeks ago


ILAGAN CITY, Isabela – Kusang sumuko ang tatlong pinaniwalaang miyembro ng New Peoples Army o NPA bitbit ang kanilang armas sa mga kapulisan sa San Mariano, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Amy dela Cruz, Chief Public Information Officer o PIO ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ay naging posible ang pagsuko ng tatlong rebelde na kinilalang sina alyas Lito, Vildo at Alan dahil sa pinagsanib na pwersa ng 1st IPMFC sa pamumuno ni PLtCol.Jeffrey Raposas, Force Commander; San Mariano Police Station; CIDG Isabela PFU; 201st RMFB2; 42SAC at RIU 2 maging ang 86IB at 95IB 502nd BDE, PA.

Ayon kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng IPPO ang pagsuko at pagsurender rin nila ng isang Cal .38 revolver na walang serial no. na nagpapakita ng kanilang buong pusong pagbabalik loob sa gobyerno.

Kaalinsabay ng papuri nito sa matagumpay na pagsuko ng mga rebelde.

Nakatulong rin sa kanilang pagsuko ang patuloy na negosasyon sa action agent at dating rebelde ng mga kapulisan maging ang mga RCSP activities ng 1st IPMFC gaya ng Project MASK ( Malasakit Akmang Sagot sa Krisis) at Project SUBLI (Sarili mo’y Uusad Biyayang Laan na aming Igagawad) ng 1st IPMFC.

Ang naturang mga rebelde ay sinamahan ng CTG Tracker Team sa 1st IPMFC Headquarters, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela para sa tactical interview at tamang disposisyon habang inihahanda ang tulong sa kanila ng pamahalaan. Rey Velasco