3 most wanted sa Calabarzon arestado sa Batangas

3 most wanted sa Calabarzon arestado sa Batangas

November 21, 2022 @ 9:34 AM 1 week ago


BATANGAS – Tatlong most wanted persons na kapwa rape suspects sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang naaresto sa magkakahiwalay na lugar nitong Linggo sa lalawigan.

Kinilala ni Batangas Police Provincial director Col. Pedro Soliba ang tatlong suspek na sina Ronald Atienza,29, tricycle driver at residente ng Barangay Catandala, Batangas City; Justine Dipon, 29, construction worker at residente ng Barangay Alangilan, Batangas City, at Bryan Nao, 29, driver at residente ng Barangay 2 sa Lipa City.

Nahuli si Atienza sa warrant of arrest para sa tatlong kaso ng statutory rape at acts of lasciviousness. Nalambat siya sa Batangas City ng alas-7 ng umaga.

Kinasuhan naman si Dipon sa salang pangagahasa sa 12-anyos na babae noong May 11, May 13, May 15, at May 18, 2022 sa magkakaibang lugar sa Batangas City. Naaresto siya sa San Pascual, Batangas ng joint police forces bandang alas-8:30 ng umaga.

Nahuli si Nao sa Lipa City badang alas-9:10 ng umaga sa Barangay Mataas na Lupa.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay resulta ng walang humpay na manhunt operation laban sa most wanted persons sa Batangas, ani Soliba.

Nasa kustodiya na ng mga istasyon ng pulis sa probinsya ang mga suspek. RNT/SA