3 motibo sa pag-atake sa Datu Piang pinag-aaralan na

3 motibo sa pag-atake sa Datu Piang pinag-aaralan na

December 5, 2020 @ 3:13 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang tatlong posibleng motibo sa pag-atake sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao.

Sa report kay Interior Secretary Eduardo Año, sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas  na patuloy pa rin ang imbestigasyon kalakip ang mga sumusunod na motibo:

  • political rivalry sa local executives ng Datu Piang partikular sa Mayor at Vice Mayor  political issues;

  • paghihiganti sa pagkamatay ng BIFF [Bangsamoro Islamic Freedom Fighter] member sa operasyon sa Cotabato City noong December 1; at

  • personal grudge ng ilang BIFF members laban sa hepe ng pulis ng Datu Piang sa pagkakaaresto ng dalawang myembro nito.

Nakaantabay naman sa lugar ang nasa 70 personnel para mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan. RNT/FGDC 


  •  
  •  
  •  

Loading...