3 nagtulak sa Araw ng Paggawa tiklo sa P1.4M tobats 

3 nagtulak sa Araw ng Paggawa tiklo sa P1.4M tobats 

May 2, 2022 @ 2:49 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang tatlong indibidwal kabilang ang isang dalaga na nagtulak ng shabu sa Araw ng Paggawa nang makumpiskahan ng halos P1.4M  shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Swak sa hoyo sina Esmeralda Pangyarihan, 28, istambay, ng  183 Gen. Concepcion Street, Brgy. 132, Caloocan;  Rakim Batua,  18, binata, istambay, ng 151, Blk. 17, Dimaraya Street, Brgy. 645, Quiapo,  Manila, at Mohammad Umpa, 20, binata, istambay, ng parehong adres.

Nasakote ang tatlo alas-5:30 ng hapon nitong Linggo, sa 183, General Concepcion Street, Barangay  132, Caloocan City matapos paiskorin ng shabu ang isang undercover.

Abot sa 202 gramo ng nasabing iligal na droga na may presyong P1,373,600 ang nakumpiska sa mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. Merly Iral