3 nalambat sa drug buy-bust sa Malabon

3 nalambat sa drug buy-bust sa Malabon

July 6, 2021 @ 12:47 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tatlong hinihinalang drug personalities ang nasakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Fortunato Blanco, 30, Raymark Bautista, 30, at Jay-ar Urbano, 21, pawang residente ng lungsod.

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Juluis Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni Col. Barot ng buy bust operation sa Macopa Road, Brgy. Potrero.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Blanco at Bautista matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer ng droga habang inaresto din si Urbano matapos makuhanan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 2.05 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,940 at P500 buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.  Boysan Buenaventura