3 nasabugan ng dinamita sa Samar; 1 naputulan ng braso

3 nasabugan ng dinamita sa Samar; 1 naputulan ng braso

January 28, 2022 @ 5:37 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kritikal ang isang barangay chairman nang masabugan ng dinamita habang nangingisda sa Zumarraga, Samar.

Batay sa Eastern Visayas PNP, kinilala ang kapitan na si Elino Sobrino, 58, kasama ng isang Fernan Hinundayan, 24, at isang lalaking menor de edad na lulan ng fishing vessel sa Brgy. Tinaogan.

Nakatakda na sanang magtapon ng dinamita si Sobrino ngunit nauna itong sumabog.

Sa ulat, putol ang braso ng kapitan habang sugatan ang mukha nito at katawan.

Nasa ospital din si Hinundayan at ang kasamang menor de edad,

Samantala, nagsasagawa na ng mas malalim na imbestigasyon ang Zumarraga PNP ukol sa insidente.  RNT/FGDC