3 nasawing bakunado vs COVID nilinaw ng DOH

3 nasawing bakunado vs COVID nilinaw ng DOH

December 10, 2021 @ 1:48 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health na hindi COVID-19 ang pakamatay ng tatlong indibidwal matapos silang mabakunahan ng COVID-19 vaccines base sa Nov.24  adverse event following immunization (AEFI) report ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, ang kani-kanilang regional survellaince unit at regional AEFI committee ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang case investigation at assessment.

Paliwanag ni Vergeire, hindi lamang ang bakuna ang sanhi ng sinasabing pagkamatay pagkatapos mabakunahan.

Base aniya sa inisyal na ulat, ang nasabing tatlong indibidwal na nagkaroon ng masamang kinalabasan matapos bakunahan ay namatay dahil sa ibang sakit.

Ang isa aniya ay namatay dahil sa non COVID-19 pneumonia habang ang isa naman ay namatay dahil sa dengue habang tuberculosis naman ang ikinamatay ng isa pa.

Gayunman, inulit ni Vegeire na hindi pa tapos ang posality assessment na isinasagawa ngayon ng ating mga eksperto mula sa regional AEFI committee.

Hinihintay pa umano an inisyal at pormal na report na ito bago makapagbigay ng opisyal na deklarasyon o announcement kaugnay rito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)