3 nat’l road nanatiling sarado sa hagupit ni bagyong Florita

3 nat’l road nanatiling sarado sa hagupit ni bagyong Florita

August 26, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tatlo pang national road sections ang nanatiling sarado sa motorista sa Cordillera Administrative Region at Region 2 dahil sa pagputol ng kalsada, pagguho ng lupa, pagbaha, at para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, dulot ng Severe Tropical Storm ‘Florita’ .

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan, kabilang sa mga hindi madadaanang kalsada ang Kennon Road na sarado para sa kaligtasan.

Ang mga motoristang patungo sa Baguio City ay maaaring dumaan sa Marcos Highway, Baguio – Bauang Road, o Asin – Nangalisan – San Pascual Road bilang mga alternatibong ruta.

Nagpapatuloy din ang road clearing operation sa kahabaan ng Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Namaltugan, Calanasan, Apayao na sarado dahil sa road cut at pagguho ng lupa.

Dahil sa mataas na water elevation, ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge sa Isabela ay nananatiling sarado din sa lahat ng uri ng sasakyan.

Samantala, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Daang Maharlika-Cagayan Valley Road bilang alternatibong kalsada. Jocelyn Tabangcura-Domenden