3 negosyante na-contempt sa sibuyas probe; 1 agad nadetine

3 negosyante na-contempt sa sibuyas probe; 1 agad nadetine

March 8, 2023 @ 12:39 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ng House Committee on Agriculture na ma-cite in contempt ang tatlong naimbitahan sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng manipulasyon sa presyo ng sibuyas.

“I am in full support of the decision of the Committee on Agriculture,” ani Romualdez matapos magbaba ang komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga ng desisyon na mai-contempt ang tatlong ipinatawag ng komite sa imbestigasyon kaugnay sa ulat ng manipulasyon at pagtatago ng suplay ng sibuyas sa bansa.

Binigyang diin ni Romualdez na ang aksyon ng komite ay naaayon sa mandato nito na ipagpatuloy ang congressional inquiry upang masawata at mapahinto ang manipulasyon sa presyo ng sibuyas gayundin sa pagtatago nito.

“Malinaw ang layunin namin nang simulan ang mga hearings na ito. Kailangang maipababa ang presyo ng sibuyas sa lalong madaling panahon. Kailangang makilala kung sino ang bumubuo ng kartel na nagmamanipula ng presyo ng bilihin. Kailangang buwagin ang mga kartel na ito na nagpapahirap sa bayan.”

Dagdag pa ng mambabatas na hindi papayag ang liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na “not allow anyone to make a mockery of the hearings now being conducted by the Committee on Agriculture.”

“We expect every resource person invited to tell the truth. No more, no less. I advise those who are invited to the hearings: magsabi lang po kayo ng totoo. Kung lolokohin lang ninyo ang Committee, sa detention center ang bagsak ninyo.”

Ang isinailalim sa contempt ay sina ARGO Trading president at general manager Efren Zoleta Jr., operation manager John Patrick Sevilla, at legal counsel Jan Ryan Cruz.

Si Sevilla na dumalo sa pagdinig ay agad na nadetine sa Batasan Complex samantalang sina Zoleta at Cruz ay hindi sumipot sa pagdinig. Meliza Maluntag