3 NPA dedo sa engkuwentro

3 NPA dedo sa engkuwentro

March 29, 2022 @ 1:56 PM 3 months ago


DAVAO CITY –Patay ang tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) ng maka-engkwentro ang militar sa ginawang focused military operations sa Barangay Tupaz Maragusan, Davao de Oro.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ezequil Cortez Daguman alyas Rey/Ry, miyembro sa Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee , deputy secretary ROC, SMRC; Ruel Baylon alias James; at Quirino Remegio alias Jelly/Manoy.

Ayon kay Brig. Gen. Jesus Durante III, ng 1001Bde commander, katuwang ang Regional Operations Command (ROC) sa NPA , Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) natunton ang pinagtataguan ng mga rebeldeng gurpo.

Nakatunog ang mga suspek sa presensiya ng militar at nakipagbarilan ang mga ito na nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng tatlo.

Narekober sa mga suspek ang matataas na armas, improvised explosive device, iba’t ibang uri ng mga bala, medical paraphernalia, at mga personal na kagamitan.

Napag-alaman na si Daguman ay may arrest warrants sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention, double murder, robbery with violence, at murder./Mary Anne Sapico