3 NPA leaders tigok sa engkwentro

3 NPA leaders tigok sa engkwentro

September 22, 2022 @ 5:42 PM 2 weeks ago


QUEZON – Napatay sa bakbakan ang tatlong hinihinalang lider ng Communist Terrorist Group sa sagupaan laban sa militar sa Sitio Lagmak Barangay Pagsangahan General Nakar Quezon.

Kinilala naman ang mga ito na sina Noel Madregalejos, alyas Luis, sinasabing Deputy Secretary for Organization, Sub-Regional Military Area-4A at dating Secretary ng KLG Cesar; si Misael Ongtangco alyas Cuba, mula sa Main Regional Guirilla Unit, Regional Operational Command, Southern Tagalog Regional Party Committee; at isang Roger Guarde Villaflores alyas Hammer, Functional Staff Member ng SRMA 4A at dating VPL, Platoon Laguna-Quezon.

Sa ulat nakaengkwentro ng mga rebelde ang 22nd Division at 1st Infantry Battalion matapos ang isang tip mula sa residente ng barangay ukol sa presensya ng mga armadong grupo.

Sinabi pa na ang mga ito ay sapilitang nanghihingi ng supply ng pagkain at iba pa sa mga mahihirap na residende.

Sa pagresponde ng militar dito na sumiklab ang palitan ng putok na ikinasawi ng tatlong rebelde. Ellen Apostol