3 NTC officials ipinatawag ng Comelec sa OEC violation

3 NTC officials ipinatawag ng Comelec sa OEC violation

April 23, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinatawag ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC) upang magpaliwanag sa petisyong inihain laban sa kanila sa umano’y paglabag sa Fair Election Act and the Omnibus Election Code (OEC).

Sa subpoena, iniatas ng poll body sa pamamagitan ng Law Department nito na magpaliwanag sina NTC chief of adjudication division Nilo Lozada, chief of radio spectrum planning division Roberto Tolentino, regulation branch head Imelda Walcien, ukol sa kasong inihain sa kanila sa umano’y paglabag sa Section 100 ng Omnibus Election Code of the Philippines, na inamyendahan ng Republic Act. No. 7166, kaugnay ng Section 262 ng OEC.

“Under and by virtue of the authority and power vested in the Commission on Elections by Section 52 (d) of the Omnibus Election Code (OEC), you are hereby noticed that a complaint has been filed against you for alleged violation of Section 100 of the Omnibus Election Code of the Philippines, as amended by Republic Act. No. 7166, in relation to Section 262 of the Omnibus Election Code,” ayon sa poll body.

“Accordingly, and in compliance with Comelec Resolution No. 10673, you are hereby directed to submit the digital/scanned copy of your duly notarized Counter-Affidavit and other supporting documents or affidavits or witness/es if any in PDF on or before May 13, 2022 thru electronic email,” dagdag pa nito.

Inihain ang subpoena kaugnay ng reklamong isinampa ng Emerald Investments Inc., isang shareholder ng Now Telecom Company Inc. laban sa NTC officials sa pagtakda ng sa election period, na kaugnay ng pagbawi ng lahat ng radio frequencies na ini-assign sa Now Telecom.

Nakatakda ang hearing para sa NTC complaint laban sa Now Telecom sa Lunes.

Sinabi ng Emerald sa complaint-affidavit na inihain noong Abril 19 na “any threat of suspension or cancellation of Now Telecom’s radio frequencies will not only disrupt its operations and jeopardize its business, but will also cause undue prejudice to its shareholders, including Emerald.”

Hawak ng Emerald ang 12.8-porsyentong interest sa Now Telecom.

Nakasaad sa criminal complaint na ang aksyon ng NTC respondents “in giving due course and setting for hearing the complaint dated Jan. 21, 2022 filed against Now Telecom, which sought to recall all the assigned radio frequencies,” ay labag sa Section 6.4 ng Fair Elections Act, na nagbabawal sa kanselasyon o suspensyon ng legislative franchise sa election period.

Nagbabala rin ang Comelec na ang hindi pagtugon sa subpoena ay ituturing na “waiver of right to present defense and the case shall be submitted for resolution.”

Nag-umpisa ang election period para sa Halalan 2022 noong Enero 9 at matatapos sa Hunyo 8  ng kasalukuyang taon. RNT/SA