3 opisyal ng Ukraine, 13 iba pa patay sa chopper crash

3 opisyal ng Ukraine, 13 iba pa patay sa chopper crash

January 18, 2023 @ 5:29 PM 2 weeks ago


KYIV – Namatay agad ang tatlong matataas na opisyal ng pamahalaang Ukraine makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa compound ng isang eskwelahan sa lungsod na ito ng Ukraine.

Kinilala ni National Police Chief Ihor Klymenko ang mga nasawi na sina Interior Affairs Minister Denys Monastyrsky at ang kanyang deputy minister at state secretary na hindi pinangalanan.

Dalawang batang estudyante at 10 iba pa ang nasawi nang mabagsakan ang mga ito ng helikopter na sumabog at lumikha ng sunog sa gusali ng kindergarten school at isa pang kalapit na gusali.

Nasa 22 naman ang nasugatan, kasama ang 10 bata.

Nagkataong napakakapal umano ng hamog sa lugar at maaaring hindi nakita ng piloto kung saan niya dapat ibaba ang helikopter hanggang sa sumabit ito sa kingdergarten school at sumalpok sa iba pang gusali. RNT/FC