3 palatandaan na “selfish” ang lalaki sa kama

3 palatandaan na “selfish” ang lalaki sa kama

October 10, 2018 @ 6:00 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Alam naman natin na hindi lahat ng tao ay magaling sa kama. Natural lamang ito dahil ang mahalaga ay ginagawa ang lahat para mapasaya at gawing espesyal ang bawat sandali sa pakikipagtalik.

Gayunpaman, mayroon pa ring iba d’yan (hindi naman lahat) na hindi na nga magaling sa kama, makasarili pa.

Narito ang ilang palatandaan na isa ang iyong karelasyon sa mga lalaking makasarili pagdating sa kama.

He never goes down on you.

Oo nga’t hindi naman dapat pinipilit ang isang tao na gawin ang mga bagay na hindi sila komportable. Pero kung umabot sa puntong hiningan ka niya ng ‘di mabilang na blowjob at ni minsa’y hindi niya ito ginawa sa’yo, ‘di na yata tama ‘yun.

NAPAKABILIS niyang matapos.

Tila ginagawa niyang 100 meter dash ang pakikipagtalik. Sa sobrang bilis ng kaniyang pagbayo, halos wala na itong naidudulot na romansa sa’yo. Sinunod niya lamang ang mga paborito niyang posisyon kahit hindi mo naman ito gusto. Ang pinakamalala pa d’yan ay kapag tapos na siya, tapos na talaga. Kung hindi siya agad magbibihis, matutulog na siya na kaagad.

Pinipilit ka niyang makipag-sex kahit wala ka sa mood

Imbis na magpakita ng pag-unawa sa tuwing ikaw ay napapagod sa buong araw na pagtratrabaho at stress, pinaparamdam niya pa sayo na wala kang kwentang partner dahil hindi mo napagbibigyan ang gusto niya.

At kapag kinausap mo siya tungkol sa mga problema, hindi niya ito pinapansin at pinaninindigan pa niya na tama siya at mas importante ang kaniyang pleasure kaysa sa’yo./Remate News Team