3 pang Cabinet members aprub sa CA panel

3 pang Cabinet members aprub sa CA panel

December 14, 2022 @ 7:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Commission on Appointments panel ang tatlong miyembro ng Gabinete.

Una dito, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa CA Committee on Transportation na handa siya sa mga suliranin na kakaharapin ng sektor na itinuturing niyang mahalagang sangkap sa ekonomiya ng bansa.

“Being an archipelago, land, sea, and air mobility are indispensable in our exchange of goods and services as well as our unity and cohesion as a people with shared goals among diverse local tranditions and practices,” pahayag ni Bautista.

Nagpahayag din ito ng suporta sa panukala ni Senador JV Ejercito ng isang long term, comprehensive masterplan para sa infrastructure development at transportation modernization na siniguro niyang ieendorso ito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Kailangan po talagang magkaroon ng long-term planning. There are countries, they plan up to 50 years. Dito po sa ating bansa, kailangan po talaga na iplano natin ang lahat ng infrastructure project for airports, for railways, for ports, for roads and bridges,” ani Bautista.

Samantala, tanggap ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar na mahaba-haba pa ang lakbayin ng bansa sa pagbibigay ng disenteng tirahan sa mga informal settler families (ISFs) pero dahil sa kanyang karanasan bilang real estate developer, masisiguro nito ang pangako kay Marcos na matutugunan ang backlog sa housing projects.

“I am concerned with the informal settler families who are forced to stay homeless to sustain their source of living. I have observed that previous public housing projects have been unsuccessful as families refuse to relocate away from the cities,” sinabi naman ni Acuzar.

“Hence, I am pushing to provide shelters to ISFs already living and working in cities to remain close proximity to their livelihood,” dagdag pa niya.

Si Acuzar ay nagsimula bilang draftsman sa Tondo Foreshore Redevelopment Project noong 1975 at naging contractor noong 1980s bago itayo ang kompanyang New San Jose Builders Inc.

Habang ikinukunsidera naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na malaking pagkakataon para sa kanya na maserbisyuhan ang mga Filipino.

“As our nation continues its full recovery and advances its journey to prosperity, we’re confronted with the rapidly changing market conditions and much uncertainty in this global environment. Challenged, yet unfazed,” sinabi ni Balisacan kasabay ng pangako nito na tugunan ang 8-point socio-economic agenda at Philippine Development Plan 2023-2028 ni Marcos.

Naglingkod din si Balisacan bilang NEDA chief sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III mula 2012 hanggang 2016. RNT/JGC