3 pang kaso ng BA.5, 7 BA.2.12.1 sa Pinas natukoy sa genome sequencing

3 pang kaso ng BA.5, 7 BA.2.12.1 sa Pinas natukoy sa genome sequencing

June 7, 2022 @ 4:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tatlo pang kaso ng COVID-19 Omicron BA.5 subvariant ang natukoy sa huling genome sequencing dahilan para umabot na sa kabuuang 5, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula sa Calabarzon ang dalawa sa MGA pasyente habang ang lokasyon ng ibang kasi ay biniberipika pa, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire.

Ang pasyente na tinutukoy pa ang lokasyon ay fully vaccinated habang ang isa pang kaso mula sa Calabarzon ay unvaccinated.Ang estado naman ng isa pang pasyente ay patuloy na biniberipika.

Lahat ng pasyente ay itinuring nang recovered ngunit tinitignan pa rin ng DOH ang simtomas kanilang naranasan at kanilang close contacts .

Samantala, pito pang kaso ng BA.2.12.1 ang natukoy din sa huling genome sequencing na isinalang mula sa 190 samples noong June 6, sabi ni Vergeire.

Wala nang iba pang detalye na ibinahagi ni Vergeire ukol sa bagong kaso ng BA.2.12.1

Sa kabuuang samples, 114 o 60 porsyento ang Omicron, 14 o 7.4 porsyento ang Delta, isa ang may ibang lineages at 61 ang walang lineage,pahayag pa ni Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden